Sagot ng Iglesia Ni Cristo sa Hebreo 1:8


Hebreo 1:8
TINAWAG BA NG AMA NA DIYOS ANG ANAK SA HEBREO 1:8?




TANONG:

Di po bas a Hebreo 1:8 ay tinawag ng Ama na Diyos ang Anak?

Hebreo 1:8
“Nguni't tungkol sa Anak ay sinasabi, Ang iyong luklukan, Oh Dios, ay magpakailan man; At ang setro ng katuwiran ay siyang setro ng iyong kaharian.”



SAGOT:

Kung tatanggapin na tamang salin na tinawag ng Ama na Diyos ang Anak sa Hebreo 1:8 ay lalabas na ang Diyos ay (1) magiging dalawa, at (2) ang Diyos ay may Diyos o may kinikilalang ibang Diyos bukod sa Kaniya, sapagkat sa Hebreo 1:8 ay  ganito ang sinasabi:

Hebreo 1:9
“Inibig mo ang katuwiran, at kinapootan mo ang kasamaan; KAYA'T ANG DIOS, ANG DIOS MO, ay nagbuhos sa inyo, Ng langis ng kasayahang higit sa iyong mga kasamahan.” (Amin ang pagbiigay-diin)

Samantalangmaliwang ang pahayag mismo ng Diyos na Siya’y walang nakikilalang iba:

Isaias 44:8
“Kayo'y huwag mangatakot, o magsipangilabot man: hindi ko baga ipinanayag sa iyo nang una, at ipinakilala? at kayo ang aking mga saksi.  MAY DIOS BAGA LIBAN SA AKIN? oo, walang malaking Bato; AKO'Y WALANG NAKIKILALANG IBA.” (Amin ang pagbiigay-diin)

Kaya hindi maaaring sabihin na tamang salin ng Hebreo 1:8 na tinawag dawn g Ama ang Anak na Diyos sapagkat sasalungat ito sa katotohanangnakasulat sa Biblia na iisa lamang ang tunay na Diyos ang Siya mismo ang may pahayag na “AKO’Y WALANG NAKIKILALANG IBA.”

Alin kung gayun ang tamang salin ng Hebreo 1:8?

James Moffatt Translation
“he says of the Son, ‘God is thy throne forever and ever, thy royal scepter is the scepter of equality.”

Sa wikang Pilipino:
“sinasabi niya tungkol sa Anak, ‘ANG DIYOS ANG IYONG LUKLUKAN magpakailanman kailanman, ang  iyong maharlikang setro ay ang setro ng pagkakapantay-pantay.” (Amin ang pagbiigay-diin)


Goodspeed
“But of the Son he says, ‘God is your throne forever and ever! And a righteous scepter is the scepter of his kingdom.”

Sa wikang Pilipino:
“Ngunit tungkol sa Anak ay kaniyang sinasabi, ‘ANG DIYOS ANG IYONG LUKLUKAN magpakailanman kailanman! At isang matuwid na setro ay ang setro ng kaniyang kaharian.” (Amin ang pagbiigay-diin)


Complete Bible
“But of the Son he says, ‘God is your throne forever and ever!...”

Sa wikang Pilipino:
“Ngunit tungkol sa Anak ay kaniyang sinasabi, ‘ANG DIYOS ANG IYONG LUKLUKAN magpakailanman kailanman!...” (Amin ang pagbiigay-diin))


New World Translation
“But with reference to the Son: ‘God is your throne forever and ever!...”

Sa wikang Pilipino:
“Ngunit patungkol sa Anak: ‘ANG DIYOS ANG IYONG LUKLUKAN magpakailanman kailanman!...” (Amin ang pagbiigay-diin)

Ang saling ito ng Hebreo 1:8 na nagsasabing “ANGDIYOS ANG IYONG LUKLUKAN” ang masasabi nating tamang salin ng talata sapagkat hindi ito sumasalungat sa katotohanang nakasulat sa Biblia na:

(1)  Ang binabanggit sa Hebereo ay “hinirang Diyos” na Kaniyang Diyos:

Hebreo 1:9 MB
“Kinalulugdan mo ang paggawa ng matuwid, Ngunit ang pagsuway ay kinamumuhian, KAYA'T HINIRANG KA NG DIYOS, NA IYONG DIYOS, At pinuspos ng kagalakan - Higit sa mga kasama mo.” (Amin ang pagbiigay-diin)

(2)  Walang ibang Diyos liban sa tunay na Diyos:

Isaias 45:21
“Kayo'y mangagpahayag, at mangagpasapit; oo, magsanggunian silang magkakasama: sinong nagpakilala nito mula nang mga unang panahon? sinong nagpahayag niyaon nang una? hindi baga ang Panginoon? at walang Dios liban sa akin: isang ganap na Dios at Tagapagligtas; walang iba liban sa akin.”

(3)  Sinabi mismo ng Anak (ni Cristo) na ang Ama lamang ang iisang Diyos na tunay:

Juan 17:1,3
“Ang mga bagay na ito ay sinalita ni Jesus; at sa pagtingala ng kaniyang mga mata sa langit, ay sinabi niya, Ama, dumating na ang oras; luwalhatiin mo ang iyong Anak, upang ikaw ay luwalhatiin ng Anak:
“At ito ang buhay na walang hanggan, na ikaw ay makilala nila na iisang Dios na tunay, at siyang iyong sinugo, sa makatuwid baga'y si Jesucristo.”

(4)  Ayon mismo sa sumulat ng Hebreo, ang Anak ay tao sa likas na kalagayan:

Hebreo 7:24 KJV
“But this man, because he continueth ever, hath an unchangeable priesthood.”

Sa wikang Pilipino:
“Ngunit ang taong ito , sapagkat namamalagi magpakailanman, ay  may pagka0saserdoteng hindi mapapalitan.” (Amin ang pagbiigay-diin)


Please like our FB Page:
Tanong Sa Iglesia Ni Cristo: Biblia Ang Sasagot
http://www.facebook.com/TanongSaIglesiaNiCristoBibliaAngSasagot

Mga Komento

  1. Naalis ng may-ari ang komentong ito.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Bakit sinabi ng Ama na Si Kristo ang may gawa ng langit at lupa, at tinawag pa syang panginoon nito? mali ba ang pagkasalin o nagkamali ang Ama? kung tao lang si Kristo kaya ba nyang lalangin ang langit at lupa?

      Burahin
  2. QUESTIONS lang po.

    1. Sino po ung King na tinutukoy sa Psalm 45:6? Si Kristo po ba? O si Solomon?

    2. Kung si Kristo po ang tinutukoy sa Psalm 456, Papano po naging si Christ, e di ba po ung Psalm 45 ay wedding song at ikakasal ang King na yun sa princess of Tyre? Eh hindi naman po ikinasal si Kristo sa princess of Tyre?

    3. Kung ang Iglesia po ang princess of Tyre, papano po nangyari un??

    Tnx po sa sagot nyu.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. dko sure kung princess of tyre ang Iglesia, ang sure ko eh ang Sion ang iglesia.

      Burahin
  3. pano magiging dalawa are you sure?
    Di nyo ba nabasa nakasulat po sa Juan 1:1 Sa pasimula pa'y naroon na ang Salita. Kasama ng Diyos ang Salita at ang Salita ay Diyos.
    Juan 1:14
    Naging tao ang Salita at siya'y nanirahan sa piling natin. Nakita namin ang kanyang kapangyarihan at kadakilaan, puspos ng pag-ibig at katapatan. Tinanggap nya mula sa Ama ang kapangyarihan at kadakilaang ito bilang bugtong na Anak.
    Juan 16:17
    Sapagkat iniibig nga kayo ng Ama. Iniibig niya kayo sapagkat ako'y iniibig ninyo at naniniwala kayong nagmula ako sa Diyos.
    Juan 10:30 Ako at ang Ama ay iisa.
    So sinabi po mga kapatid na Ako at ang Ama ay iisa yan po ang nag papatunay na iisa lang ang Diyos at hindi dalawa.
    Si Jesus po yung Salita ng Diyos na mababasa sa Juan 1:1 Sa pasimula pa'y naroon na ang Salita. Kasama ng Diyos ang Salita at ang Salita ay Diyos.
    Yan po ang patunay na sya ay Diyos.
    Hebreo 1:1-3
    1Noong una, nangusap ang Diyos sa ating mga ninuno sa iba't ibang panahon at sa iba't ibang paraan sa pamamagitan ng mga propeta. 2Ngunit nitong mga huling araw, siya'y nagsalita sa atin sa pamamagitan ng kanyang Anak. Sa pamamagitan ng Anak ay nilikha ng Diyos ang sanlibutan, at siya ang piniling tagapagmana ng lahat ng bagay. 3AngAnak ang maningning na sinag ng Diyos. Kung ano ang Diyos ay gayundin ang Anak. Siya ang nag-iingat sa lahat ng bagay sa pamamagitan ng kanyang makapangyarihang salita. Pagkatapos niyang linisin tayo sa ating mga kasalanan, siya'y umupo sa kanan ng makapangyarihang Diyos doon sa lang

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Juan 1:1
      " Nang pasimula siya ang Verbo, at ang Verbo ay sumasa Dios, at ang Verbo ay Dios. "


      Ang Juan 1:1 ay isa sa mga talata ng Biblia na pangunahing ginagamit ng iba upang patunayan na Diyos si Cristo. Gayunman, ito ay TINUTULAN din bilang batayan sa gayong paniniwala ng mga nasa hanay mismo ng MGA NANINIWALAN SI CRISTO AY DIYOS:


      "(iii) Sa huli ay sinabi ni Juan na ang salita ay Diyos. Ito ay isang kasabihang mahirap nating mauunawaan, ito'y mahirap dahil ang wikang Griyego, na siyang ginagamit ni Juan sa pagsulat, ay may paraan ng pagsasabi ng mga bagay na iba sa paraan ng pagsasalita sa Ingles. Kapag ang Griyego ay gumagamit ng pangngalan (NOUN), halos lagi itong gumagamit ng pantukoy (ARTICLE) na kasama nito. Ang Diyos sa Griyego ay THEOS at ang pantukoy ay HO. Kapag ang Griyego ay nagsasalita tungkol sa Diyos hindi nito basta na lamang sinasabi na THEOS; sinasabi nito na HO THEOS. Ngayon, kapag hindi ginagamit sa Griyego ang tuwirang pantukoy kasama ng pangngalan, ang pangngalan na iyon ay mas nagiging pang-uri(ADJECTIVE). Hindi sinasabi ni Juan na ang salita (VERBO) ay HO THEOS; na waring ang salita ay ang Diyos mismo. Sinasabi niya na ang salita ay THEOS-wala ang tuwirang pantukoy... Nang sabihin ni Juan na ang SALITA AY DIYOS, hindi niya sinasabing si Jesus ay Siya mismong Diyos; sinasabi niyang si Jesus ay lubos na katulad ng Diyos sa pag-iisip, sa damdamin...." (The Daily Study Bible Series -- The Gospel of John, Vol. 1, p. 39)



      Pinatutunayan sa aklat na ito na ang salitang "Diyos" sa sugnay na "ang Verbo ay Diyos" ay hindi NOUN O PANGNGALAN kundi ADJECTIVE o pang-uri. Sa Griyego kapag, gumamit ng pangngalan tulad ng THEOS(Diyos), ito ay pangkaraniwang ginagamitan ng article o PANTUKOY na HO. Kapag ang Theos ay hindi ginamitan ng pantukoy na HO, ito raw ay "mas magiging" PANG-URI. Lumilitaw, kung gayon, na ang salitang " DIYOS" sa sugnay na "ANG VERBO AY DIYOS" ay PANG-URI---inuuri lamang nito ang Verbo at hindi pinatutunayan na ang Verbo ay ang Diyos. Kaya, ayon sa pagsusuri ng iba sa talatang ito, ang sugnay na, "ANG VERBO AY DIYOS" ay dapat isaling, "ANG VERBO AY BANAL". :

      Burahin
    2. "...Ipinapapansin ng mga iskolar ng Bagong Tipan na ang bantog na salin ng talata sa paunang salita,' ang Verbo ay sumasa Diyos, at ang Verbo ay Diyos' (Juan 1:1) ay mali ang pagkakasalin mula sa orihinal na Griyego. Ang THEOS na may pantukoy ay dapat isalin na Diyos, subalit ang tamang salin ng THEOS na walang pantukoy ay dapat na 'BANAL'. Sa ibang salita, ang salin ay dapat na ,' Ang Verbo ay sumasa Diyos at ang Verbo ay Banal'. Karamihan sa mga iskolar ng Bagong Tipan ay sumasang-ayon dito. " ( One ChristMany Religions, p. 123)


      Sapagkat ang sugnay na " Ang Verbo ay Diyos" ay paglalarawan o pag-uuri lamang sa Verbo, hindi nito pinatutunayan na si Cristo ay Diyos. Tunghayan naman natin ang pahayag ng iba pang mga nagsuri sa talatang ito:


      "... Bawat taong tapat ay dapat sumang-ayon na ang pagsasabi ni Juan na ang Salita[Verbo] o Logos ' ay Banal ' ay hindi pagsasabing siya ang Diyos na kasama nito. Sinasabi lamang nito ang isang katangian ng Salita o Logos, subalit hindi nito sinasabi na siya rin ang Diyos.
      " Ang dahilan kung kaya isinalin nila ang salitang Griyego na 'banal', at hindi 'Diyos', ay sapagkat ito ay ang pangngalang Griyego na the-os' na walang tuwirang pantukoy, kaya isang anarthrous the-os'. ... ang anarthrous na pagkakabalangkas ng pangungusap ay tumutukoy da katangian ng isang bagay ..." (New World Translation ot the Christian Greek Scriptures, p. 774)


      Maliwanag, kung gayon, na ayon mismo sa mga nagtataguyod ng aral na si Cristo ay Diyos, ang Juan 1:1 ay hindi katunayan na si Cristo ay Diyos.


      Ang mga pag-amin na ito ng mga iskolar at mga tagapagturo sa mga relihiyong naniniwala na Diyos si Cristo ay nagpapatunay na ang aral na kanilang itinataguyod ay wala talagang batayan sa Biblia. Huwad na pananampalataya ang maitataguyod ng isang tao kung paniniwalaan niyang Diyos si Cristo. Hindi tayo dapat na maipahamak ng maling paniniwala. Kaya nga ibinabala ng mga apostol:



      2 Corinto 11:3
      " Nguni't ako'y natatakot, baka sa anomang paraan, kung paanong si Eva ay nadaya ng ahas sa kaniyang katusuhan, ang inyong walang malay at malinis na mga pagiisip na kay Cristo ay pasamain. "

      2 Corinto 11:4
      " Sapagka't kung yaong paririto ay mangaral ng ibang Jesus, na hindi namin ipinangaral, o kung kayo'y nagsisitanggap ng ibang espiritu na hindi ninyo tinanggap, o ibang evangelio na hindi ninyo tinanggap, ay mabuting pagtiisan ninyo. "




      Kaya, hinihikayat namin kayo na suriin ang paniniwala ng Iglesia ni Cristo tungkol sa ating Panginoong Jesucristo upang maliwanagan kayo sa mga katotohanang isinasaad.

      Burahin
    3. Nabasa ninyo po ba ang original text at kayo ba mismo ang nagsalin ng mga salin na inyong binabahagi? Sigurado po ba kayong mas tama ung recent lang nakapagtranslate kumpara sa mga taong nagsalin at nagaral ng lingwaheng ginamit sa orihinal na sulat?

      Burahin
    4. Hindi perfect ang pagkakasalin ng Biblia mula sa orihinal, kung perfect edi sana walang salungatan sa mga talata, isip2x din pag may time

      Burahin
    5. Hindi nyo kasi kinukumpleto Hebreo 1:8-12 "8 Ngunit ito naman ang sinabi ng Dios tungkol sa kanyang Anak:

      “O Dios, ang kaharian mo ay magpakailanman at ang paghahari moʼy makatuwiran.
      9 Kinalugdan mo ang gumagawa ng matuwid at kinamuhian mo ang gumagawa ng masama.
      Kaya pinili ka ng Dios, na iyong Dios, at binigyan ng kagalakang higit sa ibinigay niya sa mga kasama mo.”[a]

      10 At sinabi pa niya sa kanyang Anak,

      “Sa simula, ikaw Panginoon, ang lumikha ng mundo at ng kalangitan.
      11 Maglalaho ang mga ito, ngunit mananatili ka magpakailanman.
      Maluluma itong lahat tulad ng damit.
      12 Titiklupin mo ang mga ito tulad ng isang balabal, at papalitan tulad ng damit.
      Ngunit hindi ka magbabago, at mananatili kang buhay magpakailanman.”

      Burahin
    6. At sa Ingles na mismong Bibliya ninyo na Lamsa Bible ito ang sinasabi. Hebrew 1:1-12
      "1FROM of old God spoke to our fathers by the prophets in every manner and in all ways; and in these latter days, he has spoken to us by his Son; 2Whom he has appointed heir of all things, and by whom also he made the worlds; 3For he is the brightness of his glory and the express image of his being, upholding all things by the power of his word; and when he had through his person, cleansed our sins, then he sat down on the right hand of the Majesty on high; 4And he is altogether greater than the angels, just as the name he has inherited is a more excellent name than theirs.
      5For to which of the angels has God at any time, said You are my Son, this day have I begotten you? And again, I will be to him a Father, and he shall be to me a Son?

      6And again, when he brought the Firstbegotten into the world, he said, Let all the angels of God worship him.

      7And of the angels he said thus, Who makes his angels spirits; his ministers a flaming fire.

      8But of the Son he said, Thy throne, O God, is for ever and ever: the scepter of thy kingdom is a right scepter.

      9You have loved righteousness, and hated iniquity; therefore, God, even your God, has anointed you with the oil of gladness more than your fellows.

      10And from the very beginning you have laid the foundations of the earth; and the heavens are the works of your hands:

      11They shall pass away; but you shall endure; and they all shall wear out like a garment;

      12And as a cloak you shall fold them up, and they shall be changed: but you are the same, and your years shall never end."

      Burahin
  4. pano magiging dalawa are you sure?
    Di nyo ba nabasa nakasulat po sa Juan 1:1 Sa pasimula pa'y naroon na ang Salita. Kasama ng Diyos ang Salita at ang Salita ay Diyos.
    Juan 1:14
    Naging tao ang Salita at siya'y nanirahan sa piling natin. Nakita namin ang kanyang kapangyarihan at kadakilaan, puspos ng pag-ibig at katapatan. Tinanggap nya mula sa Ama ang kapangyarihan at kadakilaang ito bilang bugtong na Anak.
    Juan 16:17
    Sapagkat iniibig nga kayo ng Ama. Iniibig niya kayo sapagkat ako'y iniibig ninyo at naniniwala kayong nagmula ako sa Diyos.
    Juan 10:30 Ako at ang Ama ay iisa.
    So sinabi po mga kapatid na Ako at ang Ama ay iisa yan po ang nag papatunay na iisa lang ang Diyos at hindi dalawa.
    Si Jesus po yung Salita ng Diyos na mababasa sa Juan 1:1 Sa pasimula pa'y naroon na ang Salita. Kasama ng Diyos ang Salita at ang Salita ay Diyos.
    Yan po ang patunay na sya ay Diyos.
    Hebreo 1:1-3
    1Noong una, nangusap ang Diyos sa ating mga ninuno sa iba't ibang panahon at sa iba't ibang paraan sa pamamagitan ng mga propeta. 2Ngunit nitong mga huling araw, siya'y nagsalita sa atin sa pamamagitan ng kanyang Anak. Sa pamamagitan ng Anak ay nilikha ng Diyos ang sanlibutan, at siya ang piniling tagapagmana ng lahat ng bagay. 3AngAnak ang maningning na sinag ng Diyos. Kung ano ang Diyos ay gayundin ang Anak. Siya ang nag-iingat sa lahat ng bagay sa pamamagitan ng kanyang makapangyarihang salita. Pagkatapos niyang linisin tayo sa ating mga kasalanan, siya'y umupo sa kanan ng makapangyarihang Diyos doon sa langit.

    TumugonBurahin
  5. im not satisfied sa explaination so blog na to..kulang ang explaination at putol putol.
    now i found out na may sariling interpretation ang INC sa biblia..dun nalito ako dahil iba ang interpretasyion nang INC sa EARLY CHRISTIAN FATHERS. nagtaka lang ako kung bakit mas WAIS PA ANG MGA MINISTRO NATIN SA MGA MGA DESCIPOLO nang mga apostoles na MISMO APOSTOLES NI HESUS NAGTURO SA KANILA..ahay...

    CONFUSE!!!realy

    TumugonBurahin
  6. mukhang GUMISING NA ANG FAITH KO SA KATOLIKO..Sorry INC..

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. JOHN 3:16 For God so loved the world, that he gave his only begotten Son, that whosoever believeth in him should not perish, but have everlasting life.

      jOHN 3:
      18 He that believeth on him is not condemned: but he that believeth not is condemned already, because he hath not believed in the name of the only begotten Son of God.

      Burahin
  7. The word “Deity” or “Godhead” is a translation of the Greek word theotes. In A Greek English Lexicon, by Liddell and Scott, the classic lexicon of the ancient Greek language, it is translated as “divinity, divine nature.” In making their case, Liddell and Scott cite Greek authors Plutarch and Lucian, and also reference Heliodorus and Oribasius using the phrase dia theoteta = “for religious reasons.” The Greek word occurs only once in the Bible, so to try to build a case for it meaning “God” or “Godhead” (which is an unclear term in itself) is very suspect indeed. Standard rules for interpreting Scripture would dictate that the way Paul used theotes in Colossians would be the same way the Colossians were used to hearing it in their culture. There is no reason to believe that Paul wrote to the Colossians expecting them to “redefine” the vocabulary they were using. Christ was filled with holy spirit “without measure,” and God gave him authority on earth to heal, cast out demons, forgive sins, etc. Thus, it makes perfect sense that Scripture would say that Christ had the fullness of the “divine nature” dwelling in him. In fact, the same thing is said about every Christian (2 Pet. 1:4).

    TumugonBurahin
  8. 2 Corinto 11:4
    " Sapagka't kung yaong paririto ay mangaral ng ibang Jesus, na hindi namin ipinangaral, o kung kayo'y nagsisitanggap ng ibang espiritu na hindi ninyo tinanggap, o ibang evangelio na hindi ninyo tinanggap, ay mabuting pagtiisan ninyo.

    PANGARAL NANG SINAUNANG OBISPO NA TINURUAN NANG MGA APOSTOLES>>

    TAPOS TAYO MGA INC 1914 LANG>>??SINO BA ANG TUNAY NA MAY DALA NANG KATOTOHANAN???1914 INC o EARLY CHURCH FATHER NA MGA DESCIPLES OF APOSTLE???

    DI NAMAN SIGURO MAHIRAP ANG LOGIC NOH!!

    BASTA IM CONVINCE NA JESUS CHRIST IS GOD!!

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. considered ba as early church father si Pablo? alam ko apostol si pablo pero as church father eh hindi ko sure,, may binanggit na matatanda o haligi sa iglesia at si Pedro, Juan at si Santiago ang mga tinutukoy dun

      Burahin
  9. Mga Tugon
    1. Juan 8:40 Datapuwa't ngayo'y pinagsisikapan ninyo akong patayin, na taong sa inyo'y nagsaysay ng katotohanan, na aking narinig sa Dios: ito'y hindi ginawa ni Abraham. 42 Sinabi sa kanila ni Jesus, Kung ang Dios ang inyong ama, ay inyong iibigin ako: sapagka't ako'y nagmula at nanggaling sa Dios; sapagka't hindi ako naparito sa aking sarili, kundi sinugo niya ako. 43 Bakit hindi ninyo napaguunawa ang aking pananalita? sapagka't hindi ninyo mangyayaring dinggin ang aking salita. 44 Kayo'y sa inyong amang diablo, at ang mga nais ng inyong ama ang ibig ninyong gawin. Siya'y isang mamamatay-tao buhat pa nang una, at hindi nananatili sa katotohanan, sapagka't walang katotohanan sa kaniya. Pagka nagsasalita siya ng kasinungalingan, ay nagsasalita siya ng sa ganang kaniya: sapagka't siya'y isang sinungaling, at ama nito.

      Mapapansin mo sa unang talata na ipinahayag nya na Tao sya na narinig nya sa Dios mismo si Criato nag pahayag

      Sya ay nangaling sa Dios at at hindi sya napunta dahil sa kanyang sarili kundi sinugo sya

      Ay anong sabi sa mga hindi nainiwala sa kaya, mabigat na pahayag ni Cristo mga Anak ng Diablo

      kaibigan if Dios sya hindi nya ipahayag ang ganyang kabigat na pananalita

      liwanagin natin sa isa pang talata

      1 Timoteo 2:5 Sapagka't may isang Dios at may isang Tagapamagitan sa Dios at sa mga tao, ang taong si Cristo Jesus,

      Diyan sa talata na yan iisa ang Dios at tagapamagitan ang taong si Cristo Jesus, maliwanag na tao talaga sya sa kalagayan

      Burahin
  10. 1)FOUNDER AND HEAD OF THE CHURCH IS CHRIST THE CREATOR
    COLOSSIANS 1:15-18
    2)JESUS IS GOD IN THE FLESH
    1 TIMOTHY 3:16 PHILIPPIANS 2: 6-8
    3)SALVATION THROUGH CHRIST AND NOT ENTERING THE CHURCH
    JOHN 9:10 JOHN 3:36 1JOHN 5:11-13
    4)CHURCH OF GOD/CHRIST DID NOT TOTALLY FALL AWAY
    MATHEW 16:18 ACT 20: 28-30 1TIMOTHY 4:1
    5)THE BIBLE IS THE FINAL AUTHORITY AND NOT THEIR LAST MESSENGER
    HEBREWS 1:1-2 2TIMOTHY 3:16-17

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Juan 8:40 Datapuwa't ngayo'y pinagsisikapan ninyo akong patayin, na taong sa inyo'y nagsaysay ng katotohanan, na aking narinig sa Dios: ito'y hindi ginawa ni Abraham. 42 Sinabi sa kanila ni Jesus, Kung ang Dios ang inyong ama, ay inyong iibigin ako: sapagka't ako'y nagmula at nanggaling sa Dios; sapagka't hindi ako naparito sa aking sarili, kundi sinugo niya ako. 43 Bakit hindi ninyo napaguunawa ang aking pananalita? sapagka't hindi ninyo mangyayaring dinggin ang aking salita. 44 Kayo'y sa inyong amang diablo, at ang mga nais ng inyong ama ang ibig ninyong gawin. Siya'y isang mamamatay-tao buhat pa nang una, at hindi nananatili sa katotohanan, sapagka't walang katotohanan sa kaniya. Pagka nagsasalita siya ng kasinungalingan, ay nagsasalita siya ng sa ganang kaniya: sapagka't siya'y isang sinungaling, at ama nito.

      Sa unang bahagi ng talata ipinahayag ni Criato na tao sya na narinig nya sa Dios

      Hindi sya makapunta sa ganang kanyang sarili kundi sinugo sya

      Eh pag hindi ka naniwala sa kanya na tao sya at sinugo sya mabigat pahayag nya anak ng Diablo

      Palagay mo if Dios sya ipahahayag nya ang ganyang kabigat na pananalita?

      para maliwanag sayo isa pa talat ang i site ko

      1 Timoteo 2:5 Sapagka't may isang Dios at may isang Tagapamagitan sa Dios at sa mga tao, ang taong si Cristo Jesus

      Luamalabas lang iisa lang talaga ang Dios at tagapamagitan si Cristo na tao sa kalagayan...

      Burahin
  11. 1TIMOTEO 2:5
    MAY ISANG DIYOS AT MAY ISANG TAGAPAMAGITAN SA DIYOS AT SA MGA TAO ,ANG TAONG SI CRISTO JESUS.

    KUNG DIYOS SI CRISTO SINO ANG TAGAPAMAGITAN NINYO SA DIYOS?

    TumugonBurahin
  12. JUAN 14:6
    SINABI NI JESUS,AKOA ANG DAAN ,ANG BUHAY ,AT ANG KATOTOHANAN WALANG MAKAPUPUNTA SA AKING AMA KUNDI SA PAMAMAGITAN KO.

    TumugonBurahin

  13. Bakit mali ang salin na "God is your throne"
    sa Moffatt, Godspeed at New World Translation sa Hebreo 1:8?

    1) Sa mga matatandang salin lalo na sa Latin Vulgate at Codex Sinaiticus eh puro THY THRONE O GOD ang nakasulat doon

    2) Nilikot na lang ang mga saling ito ng mga taong ayaw maniwala na DIOS si Cristo para sa vested interest nila

    3) Si Cristo ay nakaupo sa kanan ng DIOS (Hebreo 12:2) at hindi nakaupo sa DIOS

    4) Ang trono ng Panginoon ay langit (Isaiah 66:1) at hindi DIOS

    Palusot po ng mga INC tungkol sa talata ng Hebrews 1:8 
    (yan "daw kuno" ang mas tamang sabihin daw sa talata na yan ay... 
    ---- Ang iyong luklukan AY DIOS??

    Yung "luklukan" daw ang tinutukoy na Dios!!! 
    Hindi daw kuno si Cristo yung Diyos.

    Kung sa formal debate po nila ikakatwiran yan? 
    "Butata" at "supalpal" sila dyan! 

    Bakit kamo?

    May babasahin po kami sa Pasugo magazine mismo ng INC!

    Ang sinulat nila mismo sa Pasugo nila ay ito!

    Pasugo Agosto 1939

    Hebrews 1:8 (Ang iyong luklukan OH DIOS)

    Kung gayon, ang ating Panginoong Jesu-Cristo ay dios na may Dios.
    =====

    Inamin po mismo nila na ang tinatawag na "oh Dios!" (dyan sa Hebrews 1:8 ay si CRISTO!!!) 

    Hindi po yung LUKLUKAN!!! 

    At si Jesu-Cristo yung tinutukoy na... 
    (DIOS NA MAY DIOS!!!)

    --- Edi Dios nga si Cristo!!!

    Mga INC!! Ayan o! 

    Pasugo magazine nyo po mismo yan!! 

    Eto ang proof namin! 
    See the attached photo ng kanila mismong magazine! 


    Pasugo Magazine ng Iglesia ni Manalo..
    August 1939 issue

    Kaya talagang hindi lalaban ng debate si Mr. Manalo laban kay Brother Eli. Soriano


    Ngayon balik tayo sa Hebreo 1:9

    Sino ba ang nagsasalita dito, di ba ang Ama pa rin(Hebreo 1:5-14)

    BASA:
    Hebrews 1:9
    [9]Thou hast loved righteousness, and hated iniquity; therefore God, even thy God, hath anointed thee with the oil of gladness above thy fellows.

    Inibig mo ang katuwiran, at kinapootan mo ang kasamaan; Kaya't ang Dios, ang Dios mo, ay nagbuhos sa inyo, Ng langis ng kasayahang higit sa iyong mga kasamahan.

    Sa Verse 9
    it would seem logical to think 
    O God(=Jesus), 
    your God (=the Father) has anointed you…..

    ”Not surprisingly, a considerable number of exegetes have adopted this view and therefore maintain that Jesus is addressed as “God” in two consecutive verses.

    Ibig sabihin yung Anak na Diyos, kinikilala ring Diyos yung nag-annoint sa kanya....

    Yan ang hirap sa WORD game ng iglesia ni Manalo...

    Sabi ko nga sa iyo huwag mong gamitin ang biblia OUT OF CONTEXT...

    Sa biblia, WALA kang mabababasang ang trono ay Diyos...

    PALPAK!

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Simpleahan natin edi tinatanggap mo na dalawa ang Diyos Isang Diyos Ama na kinilalang Diyos ang Anak at isang Anak na kinilalang Diyos ng Ama?

      Burahin
    2. Simplehan natin sa John 10:30. I and my Father are one.

      John 14:9-11, Jesus said to him(philip)' have I've been with you so long and yet you have not known me Philip? He who has seen me has seen the Father, so how can you say "show us the Father?

      --Dimo lubos na naiintindihan ang misteryo ng pag Ka-Dios ng Ama At Ng Anak.

      Burahin
    3. Ang sabi ni Cristo, kung nakita mo Siya (Si Cristo) makikilala mo rin ang Diyos (not physically na makikita kase hindi nakikita ang tunay na Diyos). Sa pamamagitan ni Cristo, ipakikilala nya kung sino ang tunay na Diyos. Hindi niya ipinakilala na Siya ay Diyos, instead may ipapakilala. Sino? Ang Diyos Ama na nasa langit.

      Burahin
  14. Simpleahan natin edi tinatanggap mo na dalawa ang Diyos Isang Diyos Ama na kinilalang Diyos ang Anak at isang Anak na kinilalang Diyos ng Ama?

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. ISA LAMANG DIYOS ANG LUMALANG NG LANGIT AT LUPA.
      KUNG WALA ANG DIYOS MAY CRISTO KAYANG LILITAW?

      Burahin
  15. sa isaias 9:6 tatawagin ang ipinanganak na lalaki na WALANG HANGGAN AMA...tanung lang po tinatawag ba ng iglesia ni cristo...si jesus na walang hanggan AMA??? tanung lang po

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Isaiah 9:6
      "(9:5) For a child is born unto us, a son is given unto us; and the government is upon his shoulder; and his name is called Pele-joez-el-gibbor-Abi-ad-sar-shalom;"
      Jewish Bible in English Free

      Napapansin mo ba ung name dyan sa Jewish translation meaning lang ng PANGALAN hindi yan verb kundi noun

      Theopatic name yan Kaibigan

      Mga pangalan na me Dios ang kahulugan

      pag ba yan kahulugan na yan eh yan na rin ang kahulugan ng pangalan pano si Cephas na ang kahulugan ng pangalan nya ay stone bato ba sya or tao

      John 1:42 and he brought him unto Jesus: and having looked upon him, Jesus saith, `Thou art Simon, the son of Jonas, thou shalt be called Cephas,' (which is interpreted, A rock.)

      Now diba hindi sya bato kundi tao, kasi may mga pangalan talaga ng tao na hindi un ang kalagayang physical

      Burahin
  16. Isaias 9:6👍
    natupad.Juan 1:1^3 english ber.
    Juan 1:14 nagkatawang tao ang DIYOS kong hindi po magkakatawang ang DIYOS walang magiging aligtasan ang san kataohan at kayang pagirapan nino man lalong hindi siya kayang ipako sa krus kong hindi siya nag katawang tao ang layunin ng laman bilang tao dumaan sa pagpapasakit para maligtas ang tao sa kasalanan
    Filipos 2:10 ang sai po luluhod ang lahat ng tuhod sa langit sa pangalan ni JESUS hindi lang sa langit pati sa ilalim
    Sino ba ang babalik na pinatay na makapangyarihan sa lahat.Apo 1:7-8

    TumugonBurahin
  17. Kaya hanggang ngayon maraming mga pananampalataya hindi tinatanggap na DIYOS si kristo kaya ang buhay magulo arin mayayabang nagdadala parin ng baril naninigarilyo umiinom alak nakikipagaway parin walang pag ibig
    sabi sa ZACARIAS 14 :9 Ang anginoon ay isa ang pangalan ay isa JUDAS 1:25 Sa iisang DIYOS ang sabi
    1Juan 5:20 Pagkaunawa napakahalaga PO GOD BLESS PO

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. ito talata na ginamit mo

      1 Juan 5:20 At nalalaman natin na naparito ang Anak ng Dios, at tayo'y binigyan ng pagkaunawa, upang ating makilala siya na totoo, at tayo'y nasa kaniya na totoo, sa makatuwid ay sa kaniyang Anak na si Jesucristo. Ito ang tunay na Dios, at ang buhay na walang hanggan.

      ang ask ko tama ba ang pagkaintindi mo sa talata na ito? if sinasabi mo si Cristo ay Dios ayon sa talata na ito nagkakamali ka sure ako bakit, sagutin mo tanong ko, pag nasagot mo malaman mo if bakit

      unang tanong, sino ang tinutukoy na tunay na Dios sa talata na yan?

      if si Cristo ang sagot mo nagkakamali ka, bakit

      Si Cristo ba me anak? pag sinabi mo meron ang tanong ko sayo sino anak ni Cristo? malamang ignore mo na ang comment ko kasi mapahiya ka lang kasi lalabas mali pagka unawa mo sa talata na ito

      pag nasagot mo ask ko at inamin mo na nagkamali ka saka ko sagutin iba pa na talata na na site mo

      Burahin
  18. KAhit kailan ay Eisegsis ginanawa ng mga INCM..sorry but sad to say nasa katoliko ang boung katotohanan..

    TumugonBurahin
  19. https://fb.watch/a8d404QUP4/ yan ang sagot. WAG KANA MAGPALIWANAG! MALI NAMAN PALIWANAG MO.

    TumugonBurahin
  20. UNG ISAIAH 44: AY LUMANG TIPAN AT DI PA PINAPAKILALA NG AMA ANG ANAK KAYA WALA PANG DIOS MALIBAN SA KANYA, AT UNG HEBREO 1:8 O BAGONG TIPAN AY PINAKILALA NA NG AMA ANG ANAK KAYA NAGKAROON NA ANG IKALAWANG DIOS, SI JESUS AT PINAKILALA NG ANAK ANG ESPIRITU SANTO,. KAYA NAGKAROON NG 2 TUNAY NA DIOS AT ANG ESPIRITU SANTO. GETS MO PO? DI MO KASI INIINTINDI ANG BIBLIA, MAKASAGOT KA LANG.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Kung gagon, hindi pala alam nang Ama ang lahat ng bagay nuong lumang tipan? May Diyos bang lilitaw agad?? Masyado niyong ginulo ang talata, basa

      Isaias 43:10

      .......Walang ibang Dios na nauna sa akin, at wala ring Dios na susunod pa sa akin..


      May susunod ba sa AMA o wala?

      Burahin

Mag-post ng isang Komento

Comments submitted must be civil, remain on-topic and not violate any laws. We reserve the right to delete any comments which are abusive, inappropriate or not constructive to the discussion. Repeated violations are ground to be blocked from this blog.

Mga sikat na post sa blog na ito

Iisa Lamang ang Tunay na Iglesia, ang Tunay na Relihiyon, ang Iglesia ni Cristo