Ukol sa Juan 8:58 at Exodo 3:14


JUAN 8:58
NAGPAKILALA BA SI CRISTO JESUS NA DIYOS NANG SABIHIN NIYANG “AKO NGA” SA JUAN 8:58?



ANG mga nagtuturong si Cristo ay Diyos ay sinisipi ang Juan 8:58 para patunayang si Cristo raw ay Diyos. Totoo kayang ang talatang ito ay nagtuturo na si Cristo ay Diyos?



WALANG SINASABI SA TALATA
NA SI CRISTO AY DIYOS

Maliwanag naman na walang mababasa sa talata na si Cristo ay Diyos:

Juan 8:58
“Sinabi sa kanila ni Jesus, Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Bago ipinanganak si Abraham, ay ako nga.”

Walang sinasabi si Cristo sa talata na Siya ay Diyos. Anupat, ito ay PAKAHULUGAN LAMANG sa talata ng mga naniniwalang si Cristo ay Diyos.


HINDI SAPAGKAT SINABI NI CRISTO NA
“AKO NGA” AY IPINAKIKILALA NA NIYA
ANG KANIYANG SARILI NA DIYOS

Paano nila pinalalabas na si Cristo raw ay Diyos sa talata? Dahil daw sa sinabi ni Cristo na “Ako nga.” Ito raw ay pag-aangkin ni Cristo na Siya ang Diyos na nagpakilala kay Moises na isinasaad sa Exodo 3:14 na ganito ang sinasabi:

Exodo 3:14
“At sinabi ng Dios kay Moises, AKO YAONG AKO NGA; at kaniyang sinabi, Ganito ang sasabihin mo sa mga anak ni Israel, Sinugo ako sa inyo ni AKO NGA.”

Anupat, iniuugnay nila ang pahayag ni Cristo sa Juan 8:58 na “Ako nga” sa pahayag ng Diyos kay Moises sa Exodo 3:14 na “AKO YAONG AKO NGA,” kaya ang konklusyon nila ay sa pagsasabi daw ni Cristo na “Ako Nga” ay ipinakilala raw Niya ang Kaniyang sarili na Siya ang Diyos na nagsabi kay Moises ng “AKO YAONG AKO NGA.”

KUNG TATANGGAPIN NATIN NA SAPAGKAT SINABI NI CRISTO NA “AKO NGA” AY IPINAKIKILALA NA NIYA ANG KANIYANG SARILI NA SIYA ANG DIYOS NA NAGSABI KAY MOISES NA “AKO YAONG AKO NGA” O SA PAGSASABI NIYA NG “AKO NGA” AY NANGANGAHULUGAN NANG SIYA AY DIYOS, LALABAS AY DADAMI ANG DIYOS SAPAGKAT KAPUWA SA MATANDANG TIPAN AT SA BAGONG TIPAN AY PINATUTUNAYAN NA MAY IBA PANG NAGSABI RIN NG “AKO NGA”.

(1) ANG ANGHEL NA NAPAKITA KAY MANOA AY NAGSABING “AKO NGA”:

Hukom 13:11
“At bumangon si Manoa, at sumunod sa kaniyang asawa, at naparoon sa lalake, at sinabi sa kaniya, Ikaw ba ang lalake na nagsalita sa babaing ito?  At kaniyang sinabi, AKO NGA.” (Akin ang pagbibigay-diin)

Panisnin na kung susundan natin ang argumento ng mga naniniwalang si Cristo ay Diyos na “Sapagkat sinabi ng Diyos sa Exodo 3:14 na ‘Ako Nga’ at sinabi rin ni Cristo na ‘Ako Nga,’ kaya si Cristo ay nagpakilalang Siya ang Diyos na si “Ako Nga” – LALABAS NA ANG ANGHEL NA NAPAKITA KAY MANOA AY NAGPAKILALA RIN NA SIY ANG DIYOS NA NAGPAHAYAG KAY MOISES NG “AKO NGA.”

Gamitin natin ang kanilang argumento: “Sapagkat sinabi ng Diyos sa Exodo 3:14 na ‘Ako Nga’ at sinabi rin ng anghel na napakita kay Manoa na ‘Ako Nga,’ kaya ang anghel na napakita kay Manoa ay nagpakilalang Siya ang Diyos na si “Ako Nga.” Ipinakikita  lamang natin na mali ang argumento ng mga nagtuturong si Cristo ay Diyos dahil sa sinabi Niyang “Ako Nga” sa Juan 8:58.

(2) SINABI RIN NG DATING BULAG NA PINAGALING NI JESUS NA “AKO NGA”:

Juan 9:1,8-9
“At sa pagdaraan niya, ay nakita niya ang isang lalaking bulag mula sa kaniyang kapanganakan.
“Ang mga kapitbahay nga, at ang nangakakita sa kaniya nang una, na siya'y pulubi, ay nangagsabi, Hindi baga ito ang nauupo at nagpapalimos? Sinabi ng mga iba, Siya nga: sinabi ng mga iba, Hindi, kundi nakakamukha niya.  Sinabi niya, AKO NGA.” (Akin ang pagbibigay-diin)

Kung dito’y susundan natin ang gumagamit ng Juan 8:58 sa pagsasabing si Cristo ay nagpakilalang Siya ay Diyos sa pagsasabing “Ako Nga,” LALABAS DIN NA ANG DATING BULAG NA PINAGALING NG PANGINOONG JESUS AY NAGPAKILALA RIN NA DIYOS SAPAGKAT SIYA MAN AT NAGSABING “AKO NGA.”

SAMAKATUWID, TUNAY NA ISANG KAMALIAN NA SABIHING SI CRISTO AY NAGPAKILALANG DIYOS SA KANIYANG PAGSASABING “AKO NGA.” HINDI SAPAGKAT SINABI NI CRISTO NA “AKO NGA” AT SINABI RIN NG DIYOS NA “AKO NGA” AY NAGPAKILALA NA SI CRISTO NA SIYA’Y DIYOS SAPAGKAT HINDI LANG SI CRISTO ANG NAGSABI NG “AKO NGA” KUNDI MAGING ANG ANGHEL NA NAPAKITA KAY MANOA AT ANG DATING BULAG NA PINAGALING NG PANGINOONG JESUS.



HINDI MAAARING MAGING ANG PANGINOONG JESUS ANG
DIYOS NA NAPAKILALA KAY MOISES SA EXODO 3:14

Kung sisiyasating mabuti, magbubunga ng mga kamalian kung ipagpipilitan na si Cristo ang Diyos na nagpakilala ka Moises sa Exodo 3:14. Bakit natin nasabi ito? Tunghayan natin ang talata at ituloy natin ang pagsipi sa talatang 15:

Exodo 3:14-15
“At sinabi ng Dios kay Moises, AKO YAONG AKO NGA; at kaniyang sinabi, Ganito ang sasabihin mo sa mga anak ni Israel, Sinugo ako sa inyo ni AKO NGA. At sinabi pa ng Dios kay Moises, Ganito ang sasabihin mo sa mga anak ni Israel, Sinugo ako sa inyo ng Panginoon, ng DIOS NG INYONG MGA MAGULANG, NG DIOS NI ABRAHAM, NG DIOS NI ISAAC, AT NG DIOS NI JACOB: ito ang aking pangalan magpakailan man, at ito ang aking pinakaalaala sa lahat ng mga lahi.” (Akin ang pagbibigay-diin)

Ang Diyos na nagpakilala kay Moises sa Exodo 3:14 ay nagpakilala sa pangalang “AKO TAONG AKO NGA.” Ang TATLONG-SALITANG PANGALANG ito ay isa lamang sa mga pangalan ng Diyos na itinuro ng Biblia. Hindi maaaring ang Panginoong Jesucristo ang Diyos na nagpakilala kay Moises sa pangalang “AKO YAONG AKO NGA” sapagkat ang Diyos na nagpakilala kay Moises sa Exodo 3:14 ay ang “DIYOS NI ABRAHAM, ISAAC AT JACOB.” Bakit isang malaking kamalian na ipagpilitan na si Jesus ang Diyos na nagpakilala kay Moises sa pangalang TATLONG –SALITANG PANGALAN sa Exodo 3:14? Ganito ang ipinahayag ni Apostol Pedro sa Gawa 3:13:

Gawa 3:13
“ANG DIOS NI ABRAHAM, AT NI ISAAC, AT NI JACOB, ang Dios ng ating mga magulang, AY NILUWALHATI ANG KANIYANG LINGKOD NA SI JESUS; na inyong ibinigay, at inyong tinanggihan sa harap ni Pilato, nang pasiyahan nito na siya'y pawalan.” (Akin ang pagbibigay-diin)

Kung ipagpipilitan na si Cristo ang Diyos na nagpakilala kay Moises sa Exodo 3:14 sa pangalang “AKO YAONG AKO NGA,” lalabas na ang Panginoong Jesucristo ay ang Diyos ni Abraham, ni Isaac at ni Jacob (Exodo 3:15).

NGUNIT ANG MALAKING PROBLEMA NA KINAKAHARAP NG MGA NANINIWALANG SI CRISTO AY DIYOS AY ANG GAWA 3:13 NA NAGSASAAD NA “ANG DIOS NI ABRAHAM, AT NI ISAAC, AT NI JACOB…NILUWALHATI ANG KANIYANG LINGKOD NA SI JESUS.”

KAYA, kung ipagpipilitan na si Jesus ang Diyos na nagpakilala kay Moises sa pangalang “AKO YAONG AKO NGA” sa Exodo 3:14 ay lalabas na DALAWA ANG JESUS: Ang ISA ay ang Diyos na nagpakilalang “AKO YAONG AKO NGA” na DIYOS NI ABARAHAM, ISAAC AT JACOB; at ang ISA PA ay ang LINGKOD NA NILUWALHATI NG DIYOS NI ABRAHAM, ISAAC AT JACOB.



HINDI DAPAT PAG-UGNAYIN ANG PAGPAPAHAYAG NI
JESUS NG “AKO NGA” SA NAKASULAT SA EXODO 3:14

Ang totoo ay hindi naman talaga magkatulad ang pahayag ng Panginoong Jesucristo na “Ako Nga” sa TATLONG-SALITANG PANGALAN ng Diyos sa Exodo 3:14 sapagkat ang pinaka-angkop na salin (“most precise translation”) ng TATLONG-SALITANG PANGALANG ito ay HINDI “AKO YAONG AKO NGA.” Alamin muna natin ang katumbas nito sa wikang English:

Exodus 3:14 KJV
14And God said unto Moses, I AM THAT I AM: and he said, Thus shalt thou say unto the children of Israel, I AM hath sent me unto you.

Ang banggit sa Bibliang Pilipino na “AKO YAONG AKO NGA” ay “I AM THAT I AM” ang katumbas sa King James Version. Maraming mga English Bible ang nagsalin ng ganito o kaya naman ay “I AM WHO I AM” (tulad ng NKJV, NIV at RSV). Ang katumbas nito sa Tekstong Hebreo ng Matandang Tipan ay “EHYEH-ASHER-EHYEH.”

SUBALIT, ALAM BA NINYO NA ANG SINASABI NG MGA BIBLE SCHOLARS NA HIGIT NA ANGKOP NA SALIN (“PRECISE TRANSLATION”) NG TATLONG-SALITANG PANGALAN NG DIYOS SA EXODO 3:14 NA “EHYEH-ASHER-EHYEH” AY HINDI “I AM WHO I AM.” Ganito ang patotoo ng isang JUDIO na si Rabbi Joseph Telushkin:

“At one point, Moses says to God: when I come to the Israelites and say to them, ‘the God of your fathers has send me to you,’ and they ask me, ‘What is His Name?’ ‘What shall I say to them?’ God answer: ‘Ehyeh-asher-ehyeh. Thus you shall say to the Israelites, ‘Ehyeh’ sent me to you.’ The three word name God give Himself is not easy to translate. The most precise rendering is ‘I shall be that I shall be’, although it sometimes is translated as ‘I am that I am’. The 1962 Jewish Publication Society Translation of the Torah despaired of coming with an accurate rendition, and just left the words in their Hebrew original.” (Jewish Literacy, pp. 47-48)

Ayon sa patotoo ng isang tagapagturong Judio (rabbi) na si Telushkin, ang higit daw na angkop na salin (“precise rendering”) ng TATLONG-SALITANG PANGALAN ng Diyos na binanggit sa Exodo 3:14 na “EHYEH-ASHER-EHYEH” ay ‘I SHALL BE THAT ISHALL BE” (“MAGIGING AKO YAONG MAGIGING AKO”). Hindi nag-iisa ang Jewish scholar na si Telushkin ukol dito. Ganito naman ang paliwanag ng isang teologong Protestante na si Grudem:

“God said to Moses, ‘I AM WHO I AM’. It is also possible to translate this statement ‘I will be what I will be’.” (Systematic Theology, p. 161)

Dahil dito, marami nang English Bible ang mababasa natin sa kanilang footnote ng Exodo 3:14 ang ganito:

Contemporary English Version
“Since it seems related to the word translated ‘I am’, it may mean ‘I am the one who is’ or ‘I will be what I will be’ or ‘I am the one who brings into being’.” (Contemporary English Version)

New International Version
“Or I will be what I will be.”

Revised English Bible
“I am: or I will be what I will be.”

New Revised Standard Version
“Or I am what I am or I will be what I will be.”

SAMAKATUWID, MALING-MALI ANG PAKAHULUGAN NG MGA NAGTUTURONG SI CRISTO AY DIYOS SA PAGSASABING NANG IPAHAYAG NI CRISTO NA “AKO NGA” (“I AM”) AY IPINAKIKILALA NIYA ANG KANIYANG SARILI NA ANG DIYOS NA NAGPAKILALA KAY MOISES SA EXODO 3:14, SAPAGKAT ANG TATLONG=SALITANG PANGALAN NG DIYOS NA BINABANGGIT SA EXODO 3:14 NA SA HEBREO AY “EHYEH-ASHER-EHYEH” AY “MAGIGING AKO YAONG MAGIGING AKO” (“I SHALL BE THAT I SHALL BE”) ANG TAMANG SALIN.

Mga Komento

  1. Bro, off-topic ng konti itong tanong ko. Pero pwede mo ba ipaliwanag sa akin yung nakasulat sa Isaiah 9:6? Salamat ng marami sa pagsagot.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Pwede po kayung pumunta sa pinaka malapit na kapilya ng INC sa inyung pong dako at maari niyu pong tanungin diyan yung ministrong naka assigned or dumalo po kayu sa Doktrina po namin sa loob ng bahay sambahan

      Burahin
  2. LOL Jesus is God the Father, Jesus is the body, God is the soul, and the Holy Spirit is the Spirit. Three but one, one God the Father, one Lord Jesus Christ and one Holy Spirit. Colossians 2:9, if you correct the Bible with Greek then you are consenting to what Peter said in 2 Peter 3:16

    TumugonBurahin
  3. KUYA YUNG SINABI NG DIYOS AT NI HESUKRISTO AY PAGPAPAKILALA SA KANILANG SARILI WALA PONG NAGTATANONG SA KANILA NA TAO..ANG SINASABI NIYO NAMAN SA HUKOM EH HINDI KUSANG PAGPAPAKILALA SA SARILI KUNDI SINAGOT NIYA LANG YUNG NAGTANONG SA KANYA NA IKAW BA ANG LALAKING NAGSALITA SA BABAING ITO? NATURAL SASABIHIN NIYA OO AKO NGA..

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Anong kayang pinagkaiba nun sa sinabi ni Jesucristo? Swempre sasabihin niya oo ,ako nga gaya ng sabi ng bulag, bulag po ba kau?

      Burahin
  4. Malinaw po ang talata kung hindi kayo naniniwala na si Hesus ay si Ako nga mamatay kayo sa kasalanan at mamatay po kayo dahil sa kasalanan...

    TumugonBurahin
  5. Si Jesus yung "Ako Nga"
    Pitong "I am"yung meaning nyan sa Gospel books.
    kaya Sya nga yung "Ako Nga"na sinabi Nya noong Matandang Tipan.

    TumugonBurahin
  6. Hukom 13:11
    Sinabi ng anghel"ako nga" dahil siya naman talaga ang anghel na paksa sa usapin...
    Juan 9:8-9
    Sinabi ng bulag na "Ako nga" dahil sya naman talaga ang bulag na paksa sa usapin
    Juan 8:58
    Sinabi ni Jesus na "Ako nga" dahil Siya at ang Ama ay iisa na siyang paksa ng usapin...
    Tandaan natin dito na ang kalaban ni Jesus ay yung mga ayaw maniwalang Siya at ang Ama ay iisa na siyang paniwala din ng mga Iglesia ni Manalo

    TumugonBurahin
  7. 11 Sumunod naman si Manoa. Nang makita niya ang lalaki, tinanong niya ito, “Kayo po ba ang nakausap ng aking asawa?”

    “Oo,” sagot nito.

    12 “Kung magkakatotoo ang sinabi ninyo, ano ang magiging buhay ng bata at ano ang dapat niyang gawin?” tanong ni Manoa

    TumugonBurahin
  8. Sinabi ko sa inyong mamamatay kayo sa inyong mga kasalanan. Kung hindi kayo maniniwalang ‘Ako'y Ako Nga’, mamamatay kayo sa inyong mga kasalanan.”

    Juan 8:24

    TumugonBurahin
  9. Sinabi ni Felipe sa kaniya: Panginoon, ipakita mo sa amin ang Ama at iyon ay sapat na sa amin.

    Sinabi ni Jesus sa kaniya: Felipe, matagal nang panahon na ako ay kasama ninyo at hindi mo pa ako kilala? Ang nakakita sa akin ay nakakita na sa Ama. Bakit mo sinasabi: Ipakita mo sa amin ang Ama? Hindi ka ba sumasampalataya na ako ay nananahan sa Ama at ang Ama ay nananahan sa akin? Ang mga salitang sinasabi ko sa inyo ay hindi ko sinasabi sa ganang aking sarili. Ang Ama na nananahan sa akin, siya ang gumagawa ng mga gawain. Sampalatayanan mo ako na ako ay sumasa Ama at ang Ama ay sumasa akin.

    Juan 14:8-11

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Pag sinabi ba na sumainyo ang dyos ibig sabihin non dyos na rin kayo?

      Burahin
  10. Tama.Nagpakilala si Hesus bilang Dyos.

    Sumagot si Jesus, “Ako ang daan, ang katotohanan, at ang buhay. Walang makakapunta sa Ama kundi sa pamamagitan ko. Kung ako'y kilala ninyo,kilala na rin ninyo ang aking Ama. Mula ngayon ay kilala na ninyo SIYA at INYO NANG NAKITA.” Juan 14:6-7

    TumugonBurahin
  11. Oo makikilala mo na NGA Ang ama dahil pinagkaluoban SI Jesus Ng mga katangian na galing SA diyos Ng kapangyarihan, Ng kapamahalaan SA langit at lupa, ibinigay Ng diyos Ang mga katangian Kong ano mayron sya, ngunit syay nanatiling Tao, na ginawang panginoon Ng PANGINOONG DIYOS, Ang nakita at nakilala SA kaniya Ang kaisipan na ibinigay Ng diyos SA kanya at mga katangian

    TumugonBurahin
  12. PROPESY NI ISAIAS KAY CRISTO
    Isaias 9:6 RTPV05
    Sapagkat isinilang ang isang sanggol na lalaki para sa atin. Ibibigay sa kanya ang pamamahala; at siya ay tatawaging Kahanga-hangang Tagapayo, Makapangyarihang Diyos, Walang Hanggang Ama, Prinsipe ng Kapayapaan.

    Juan 1:3
    1Nang pasimula ay naroon na ang Salita; ang Salita ay kasama ng Diyos, at ang Salita ay Diyos. 2Sa pasimula ay kasama na siya ng Diyos. 3Nilikha ang lahat ng bagay sa pamamagitan niya, at walang anumang nalikha nang hindi sa pamamagitan niya.
    Juan 1:14
    14Ang Salita ay naging tao at nanirahan sa piling namin. Nakita namin ang kaluwalhatiang tunay na kanya bilang kaisa-isang Anak ng Ama. Siya ay puspos ng kagandahang-loob at ng katotohanan.

    NAPAKARAMI TALATA SA HINDI NAGSUSURI KAWAWA NYO, ANG KALIGTASAN NA SA ATING PANGINOON JESUS LAMANG, DAHIL SIYA ANG PINAMANAHAN SA LUPA AT LANGIT NANG KANYANG AMA 1 Juan 5:9-11> Kung pinaniniwalaan natin ang patotoo ng mga tao, higit nating dapat paniwalaan ang patotoo ng Diyos, at ito ang patotoo ng Diyos tungkol sa kanyang Anak. 10Ang sinumang sumasampalataya sa Anak ng Diyos ay naniniwala sa patotoong ito. Ngunit ang Diyos ay ginagawang sinungaling ng sinumang hindi sumampalataya sa Diyos, sapagkat hindi ito naniniwala sa patotoo niya tungkol sa kanyang Anak. 11At ito ang patotoo: ipinagkaloob sa atin ng Diyos ang buhay na walang hanggan at ito'y makakamtan natin sa pamamagitan ng kanyang Anak.

    Filipos 2:6-8> 6 Bagaman siya ay nasa anyong Diyos, hindi niya itinuring na kailangang pakahawakan ang kaniyang pagiging kapantay ng Diyos. 7 Bagkus ginawa niyang walang kabuluhan ang kaniyang sarili at tinanggap niya ang anyo ng isang alipin at nakitulad sa tao. 8 Yamang siya ay nasumpungan sa anyong tao, siya ay nagpakumbaba at naging masunurin hanggang sa kamatayan, maging sa kamatayan sa krus.

    Colosas 1:15 Siya ang wangis ng Diyos na hindi nakikita, ang panganay na pinakahigit sa buong sangnilikha.

    1 Juan 5:20 20 Alam nating naparito ang Anak ng Diyos at binigyan tayo ng pang-unawa upang makilala natin siya na totoo. Tayo ay nasa kaniya na totoo, samakatuwid, sa kaniyang Anak na si Jesucristo. Siya ang tunay na Diyos at buhay na walang hanggan.

    Apo 1:7-8 7 Narito, dumarating siyang kasama ng mga alapaap at makikita siya ng bawat mata at ng mga tumusok sa kaniya. Dahil sa kaniya, ang lahat ng lipi ng tao sa lupa ay tatangis. Oo! Siya nawa.
    8 Sinasabi ng Panginoon: Ako ang Alpha at Omega, ang simula at ang wakas. Ako ang kasalukuyan, ang kahapon at ang darating. Ako ang Makapangyarihan sa lahat.

    Apo 22:12-13 12 Narito, malapit na Akong dumating. Ang aking gantim­pala ay nasa akin upang igawad sa bawat tao ayon sa kaniyang gawa. 13 Ako ang Alpha at Omega, ang simula at ang wakas, ang una at ang huli.

    napakarami talata hindi lang yan marami pa, na nag papatunay DIYOS ANG PANGINOON JESUS
    nasa inyo na yan, kung patuloy kayo bulag sa katotohanan, kahit sino pa maag paliwawnag sa inyo mananatili kayo bulag saabi .nga ng Panginnoon Jesus

    Mateo 13:;14 Natutupad nga sa kanila ang propesiya ni Isaias na nagsasabi, ‘Makinig man kayo nang makinig, hindi kayo makakaunawa kailanman, at tumingin man kayo nang tumingin, hindi kayo makakakita kailanman.


    ,

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento

Comments submitted must be civil, remain on-topic and not violate any laws. We reserve the right to delete any comments which are abusive, inappropriate or not constructive to the discussion. Repeated violations are ground to be blocked from this blog.

Mga sikat na post sa blog na ito

Iisa Lamang ang Tunay na Iglesia, ang Tunay na Relihiyon, ang Iglesia ni Cristo