Iisa Lamang ang Tunay na Iglesia, ang Tunay na Relihiyon, ang Iglesia ni Cristo
IISA LANG TALAGA ANG TUNAY NA IGLESIA, ANG TUNAY NA RELIHIYON – ANG IGLESIA NI CRISTO K UNG MAYROONG PANAHON na ang mga tao ay totoong nalilito ukol sa relihiyon ay walang iba kundi ang ating panahon, sapagkat sa panahong ito ay totoong napakaraming relihiyong nakatatag at patuloy pang may mga bumabangon. Ang lalo pang nakalilito sa mga tao ay ang bawat isa’y nagsasabi na sila ay totoo at sila ay may kaligtasan. Ang tao tuloy ay nahuhulog sa paniniwalang walang maling relihiyon, kundi ang lahat naman ay tinatanggap ng Diyos at patungo rin sa Diyos sapagkat lahat naman daw ay kumikilala sa Diyos at sa Kaniya rin ipinatutungkol ang kanilang mga pagsamba. Toto okaya na pare-parehong sa Diyos ang lahat ng relihiyon? Pare-pareho kayang kay Cristo ang lahat ng mga iglesia? Tinatanggap kaya ng Diyos ang lahat ng paglilingkod at pagsambang ipinatutungkol sa Kaniya?